Friday, May 25, 2012

My Trilogy Boys

Posted by 23caris at 10:32 PM
Min Ho Jang. <3
   Gresyon Chai. <3
      Skylus Saitou. <3

Sa Rang Hae, My Honey:
   Min Ho Jang And Mitchel Karenz "Itchie" Mallari

ahem, ahem. ang unang trilogy ang tungkol sa krung-krung na si Itchie na in love sa Korean Hottie na si Min Ho Jang. ayoko ng spoiler. abangan kung paano mabibihag ng baliw na heroine ang mailap na puso ng bruho at supladong hero. :)

Wo Ai Ni, My Darling:
   Greyson Chai And Suri Ramirez

ito ang pinakapaborito kong kuwento sa tatlo! i'm a sucker for nice guys and Greyson is a nice guy. gusto ko rin ang mga heroine na lutang at gano'n si Suri. kaya naman sila ang peyborit ko sa lahat. abangan kung paano liligawan ng super bait at angelic na hero ang lutang at walang pakialam sa mundo na heroine. at kung bakit umiiyak ako habang sinusulat ko ang kuwento nila. :)

Aishiteru, My Baby:
   Skylus Saitou And Meiko Mallari

iniyakan ko ang pagsusulat na ito sa sobrang hirap. major revision ang kinabagsakan niya kaya talaga namang super thankful ako nang ma-approve siya at sinabi ng editor ko na gumanda siya. masyado kasing komplikado ang character ni Skylus at masyadong nakawawa si Meiko. anyway, abangan kung paano tuturuan ng heroine magmahal ang hero na walang alam sa pag-ibig. :)


-sa totoo lang, hindi ko in-e-expect na ma-a-approve agad sila. pero masaya ako at hindi nasayang ang lahat ng luha ko sa pagsulat nito. mahal na mahal ko ang mga tauhan sa trilogy na ito at sana, mahalin din sila ng readers. <3

2 comments:

sipearlsipearl on May 26, 2012 at 1:10 AM said...

Ang cuuuuuuuuuuuuuute! Aabangan ko ang mga `yan, Luna. ek, di ako sanay sa Luna :)

Keep writing, HariNgBUwan

+Skye Reyes+ on June 9, 2012 at 4:41 PM said...

Ako rn. Aabangan ko yan, luna :)

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting