Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga ideya na naiisip ko ngayon. Ilang beses ko nang sinabi na, ayoko. Ayoko silang gawin dahil mahihirapan ako. Nand'yan ang madugong research (na kadalasan ay nagagamit lang naman sa isa o dalawang dialogue o narration), ang pahirapang pagja-justify at ang nakakaiyak na pagresolba sa conflict. Sa mga nakabasa na ng mga libro ko noon, alam niyong napaka-light lang ng mga kuwento ko.
But I decided to challenge myself. Kung kakayanin ko ba ang ganitong klase ng genre. It's not "erotic", or anything close to that. Sumuko na ko sa paggawa ng sizzling love scenes. LOL. Anyway, for a newbie like me, ang ganitong klase ng istorya ay nakakapanibago, at masakit sa ulo.
Pero kung hindi ko `to gagawin ngayon, kailan pa? Isa lang naman ang gusto ngayon: ang mag-improve. Hindi `yon mangyayari kung hindi ko iiwan ang comfort zone ko. Kay nagdesisyon akong iwan siya na tanging sandamakmak na kapal ng mukha, isang galon ng lakas ng loob at malaki-laking panyo ang baon ko.
Itong series na naiisip ko ay composed of four books lang. But the book 1 I am currently writing ay aabot ng 48k. Hindi ang word count o kapal ng libro ang problema. Iyong mga conflict. Isipin ko pa lang, naiiyak na ko. Pero ginusto ko `to, kaya kailangan ko `tong panindigan. Paninindigan ko `to.
Sana lang, kayanin ko.
Free Talk: Blog Update
4 weeks ago