Tuesday, June 19, 2012

My Dream Plus My Heart Equals My Homeroon Teacher

Posted by 23caris at 4:51 AM
My third published novel under PHR
Released date: May 19, 2012
MY DREAM PLUS MY HEART EQUALS MY HOMEROOM TEACHER
by LUNA KING
"I would stick to you like glue."
Teaser:
Hindi naging maganda ang unang pagkakakilala ni Ali kay Exer Villez, the young man with attractive amber eyes. Para makabawi sa nagawa niyang pagkakamali rito, tinulungan niya itong makaligtas sa kapahamakang siya rin ang nagdulot. Bilang pasasalamat sa kanya, inilibre siya nito ng merienda. They shared a short yet memorable time together, and in that very short moment, she fell for him.
Three months later, he suddenly showed up in her classroom.
“Exer!” bulalas niya.
“Ah. That’s ‘Sir Villez’ to you, Miss Vismonte,” nakangiting sagot nito.
Exer turned out to be her substitute homeroom teacher! Dahil sa sitwasyon nila, pinigilan niya ang damdamin niya para dito. Pero hindi siya nagtagumpay, lalo na at pakiramdam niya, espesyal siya rito. Higit sa lahat ang atensiyong ibinibigay nito sa kanya. She confessed her feelings to him. But she was bluntly rejected. May iba na palang nagmamay-ari sa puso nito.
Now, seven years had passed and for some reason, their roles had switched. It was her turn to reject him. Dahil ngayon ay siya na ang nakatali sa isang pangako…


-"ano kaya kung guwapo ang lahat ng teacher?"
haha! `yan ang tanong na naging dahilan kung bakit naisulat ko ang nobelang ito. actually, when i was in my fourth year high school, sinali ako ng English teacher ko sa isang special English class. at ang instructor namin sa klaseng iyon, cute. haha. kaya kahit matagal ang hinihintay namin, sulit basta makita ko siya at marinig ang cute accent niya.

-anyway, hindi siya ang dine-describe ko sa nobelang ito. bukod kasi sa face ni sir, wala na kong nakitang quality niya bilang isang hero. haha. ang sama ko! wala namang problema sa kanya. ako lang talaga ang hindi gaanong interesado sa "3D men." i imagine my heroes as anime characters. hoho.

-ahm, actually, hindi ko masyadong in-expect na papasa `to. pero sana magustuhan ito ng readers.

-no'ng tapos ko nang isulat ang nobelang ito, saka ko lang nasagot ang tanong ko:
"kung guwapo ang lahat ng teacher, wala nang makikinig sa lesson! haha. baka mauso ang child abuse niyan. :))"

Trivia:
 -nakuha ko ang name na Exer kay Angelo Exel ng Stallion Riding Club, my favorite Stallion Boy ng idol kong si Ms. Sonia Francesca. nabubulol nga lang pati utak ko kapag binabasa ko ang name niya
-i'm a frustrated pianist kaya pianist ang heroine ko
-i like sweet girls, like Ali, mas madali kasi silang isulat

-Luna King

0 comments:

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting