Thursday, July 26, 2012

Necklaces And Long Lost Childhood Sweethearts

Posted by 23caris at 6:04 AM
This is an unofficial trilogy.
The three stories are about long-lost childhood sweethearts who found each other again because of the necklaces that symbolize their love.

LOL.
Natawa ako kasi hindi ko naman talaga pinlano na maging trilogy ito kuno. The first story was supposed to be an independent novel. Pero sabi ng editor ko (thank you po!) ay gawan ko rin daw ng kuwento `yong dalawang couple. At dahil masunuring bata ako *tawa* ginawan ko nga. ^^

These stories are special to me dahil sila ang first college romance (under PHR) ko. Akala ko hindi ko kaya, pero thankful ako at nagawa ko siya. I'm not sure if I can write college love stories again, dahil feeling ko ay hindi ko forte iyon. Nakakawindang.

I think lalabas na ang first book sa August.
Here are the titles:

1. Love, Headbutts And Everything Nice (approved)
-Natutuwa ako sa story na `to kasi ang kulit ng mga bida. Parati silang nag-aaway. The heroine is stubborn, violent and barbaric, while the hero is snobbish, bad-mouthed and hot-headed. Jusmio! They're both rude! Haha. And I had to learn basic German words for this one! (all thanks to Google translator!)

2. Love The Ninja Way (approved)
-Medyo mabilis ang isang ito. Hehe. Ito ang favorite ko sa tatlong story kasi medyo na-challenge ako. Haha. Medyo lang kasi hindi naman nakakawindang ang conflict. `Yong character ng heroine ang naaaliw akong isulat. Ewan ko lang pero mas komportable ako kapag mahinhin at super nice ang girl. But in this story, she had to had a change in character. She's nice pero kinailangan niyang maging makulit, pilya at slightly wicked. Iyong hero naman, playful yet snobbish. One minute he's all over you, then he'll act as if he doesn't know you the next. Actually, hindi ko naisip na magwo-work out ang relationship nila. Ang editor ko lang talaga ang nag-suggest na sila ang ipag-pair. Wala talaga akong kuwentang writer. Haha. Chos!

3. Love Plays Charade (currently working on this one)
-To be honest, nahihirapan akong tapusin ang isang ito. Because in the previous books, I made it look as if their love story is the most beautiful one among the three. Haha! Jusko, kung makabanggit naman kasi ako sa story nila, it was as if the hero took a bullet for the heroine, so I have to justify in this book kung bakit head over heels sila sa isa't isa. And my mind is currently occupied by Riley McDonough! Haha. Kailangan ko ng maraming good luck para sa isang ito. *thump, thump, thump*


I'll post the teasers as soon as the third story is approved (SANA) so wish me luck. Hehe. Thanks. <3

-Luna King

0 comments:

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting