Saturday, December 29, 2012

Luna King's 2012

Posted by 23caris at 1:49 PM
2012 has been great to me because I have these:


2012 Released Books:

Love Like Crazy (DL)
From Saturn With Love
The Fairy's Love Doctor
My Dream+My Heart=My Homeroom Teacher
Love, Headbutts And Everything Nice
From Storm With Chocolate Kisses
HOTNESS OVERLOAD TRILOGY:
(Sarang Hae, My Honey
Wo Ai Ni, My Darling
Aishiteru, My Baby)
From Uranus With A Flying Book

Readers-slash-friends: thank you sa pagbili at pagbabasa ng mga libro ni Luna King. Nata-touch talaga ako sa lahat ng message, comment at kahit kritisismo niyo sa mga nobela ko. Dahil sa mga libro na `yan, dumami ang kaibigan ko sa katauhan ninyong mga mambabasa na kahit sa Facebook at Twitter ko lang nakilala ay naging malapit na sa puso ko. <3

Gano'n din sa mga co-writers ko na naging mga kaibigan ko na rin. Ibang klaseng feeling talaga kapag ang mga kapwa ko manunulat ay na-a-appreciate din ang mga libro ko. Sana, marami pa kayong makita ko na ng personal. :)

Siyempre, sa mga editors po namin, maraming-maraming salamat po sa walang sawang paggabay at sa walang sawang pagsagot po sa mga kakulitan po namin. Lalong-lalo na po sa pagpapaganda pa ng mga nobela namin. ^___^

Kulang ang salitang "salamat" para ipakita ko po sa inyong lahat kung gaano ako ka-grateful sa inyong lahat. You made my 2012 a blast!


Sa pagsalubong po natin sa bagong taon, sana po ay patuloy niyo pa ring salubungin din ang pagdating ng mga libro ng mga baguhang manunulat.

Luna King's 2013 (hopefully) upcoming books:

Love The Ninja Way
(Sequel to Love, Headbutts And Everything Nice)

I have an excerpt of this novel in my Facebook Note and please do read my blog post entitled "The Next Big Thing" for some trivia regarding this story. Thank you. :)



UNTITLED/UNOFFICIAL Mini-series of 4

“HELLO Band”

Book 1: The Drummer

She seriously liked him. And despite him being a womanizer, she still took a chance on him...
“Mamahalin mo rin ako. Tiwala lang.”
He thought it was just a game. But he realized he was no match against her...
“I can’t wait to hear my parents say I’ve chosen a very wonderful girl to be a part of my life.”
But in the end, he still hurt her...
“Hindi ko dapat pinilit ang sarili ko sa’yo. Ako ang unang nagmahal sa’yo, kaya wala ka dapat kasalanan kung bakit nasasaktan ako ng ganito ngayon. Pero itong ginawa mo, nakakaloko na, eh!”
And she realized it was her who really lost in the game of love.

Book 2: The Guitarist

He fell in love for the first time, but he’s afraid he doesn’t know how to properly love her...
“I want you in my life... Give me time. I don’t want to lose you. So, while I nourish my feelings for you, puwede bang manatili ka sa tabi ko?”
She’s been alone all her life, and she knew exactly how it feels to get attached to someone who’ll just walk away from her in the end...
“Iniwan na ko ng pinakamahalagang tao sa buhay ko. Makakaya kong mawala ka.”
And thus, these two people who couldn’t overcome their own fears walked separate paths, but not without having their hearts broken.

Books 3&4 are... TO BE WRITTEN. XD

(My favorite as of this moment) Independent novel:
     “If you walk away now, I won’t chase you again!”
     Isinugal na niya ang lahat ng pag-asa niya sa bantang iyong para aminin nitong mahal din siya nto. Hindi man kasi nito aminin, nararamdaman niyang tinatablan na ito sa pagpapa-cute niya.
     “Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang lalaking nagprotekta sa’kin? Kahit tinataboy mo ko, parati ka pa ring nand’yan para sa’kin. Kahit inaaway mo ko, pinapatahan mo rin naman ako sa huli. At kahit parati mo kong iniinsulto, kapag ibang tao naman ang gumawa sa’kin niyon, nagagalit ka – hoy! Saan ka pupunta?!”
     Ang walanghiya, nilayasan nga siya!

I posted them kasi feeling ko, malapit na silang lumabas. Sana tama ako ng feeling. Hehe. :)
Salamat po sa pagbabasa ng post na `to. Sana po ay abangan niyo po ang mga nobelang nabanggit. *puppy dog eyes* Please?
-Luna King

0 comments:

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting