-Hindi ko sure kung Villaruz ba surname nina Uranus at Jupy. Haha. Napaka-ulyanin ko talaga.
Anyway, ito ang first page ng From Uranus With A Flying Book:
Ito na ang huling sequel-sequel-an ng
aking From Saturn With Love. Ho-ho. Hindi ko alam kung may mga nakakapansin sa
character ni Kuya Uranus, ang kapatid ni Jupy. Pero ginawan ko pa rin siya ng
story kasi peyborit ko siya. In fact,
nauna ko pang matapos ang storyline niya kaysa sa love story nina Storm at
Rain. Nahuli ko lang siyang isulat dahil may ibang MS akong inuna. Anyway, heto
na siya. Tenen!
Salamat ng marami sa editor kong si Ma’am
Lyn na super tiyaga sa pagpapaganda ng mga novels ko. Lalo na rito kay Uranus
dahil ultimo kaliit-liitang detalye ay talagang binusisi ni Ma’am Lyn. J
Special mention ko nga rin pala ang mga
kaklase kong sina Karen Singh (iyong surname mong totoo, di ko matandaan! Patawad!),
Jovel Bautista, Ruby Jean Ricafranca, at Florence Ambrocio. Sobrang na-touch
talaga ako nang i-post niyo ang picture niyo with my second novel sa wall ng FB
ko no’ng birthday ko. Alam kong hindi tayo gaanong close dahil medyo lutang ako
kaya talagang nagulat na na-touch ako sa suporta niyo. Thank you, really.
Pakaway din sa mga FB friends ko na member
din ng SMP: Nica Manjares, Ellaisa Joy Manjares (ayan, ang bait ng sis mong si
Nica dahil pinabati ka rin niya sa’kin. He-he), Gladys Ann Abonales, Judy Anne
Miranda, Cee Adove, Jennie Olaguer, Roch Garcia, Zul-chan, Esme S. Caputol, Esiuol
Montevedra Locraix, Dette Untalan at
Nuelia Vollet (Hu U? Haha). Ayan, continue supporting my novels, wah? Nya-ha-ha.
At hi rin pala sa mga Ate sa outlet ng PPC
sa SM Marilao. Ang babait niyo po. Promise, sa susunod, tatanungin ko na name
niyo. Hi-hi.
Nananawagan ako sa mga nabati ko na sana ay bumili kayo ng copy. Hehe!
Cut scene:
Ahm, sa From Saturn With Love
palang, ini-introduce ko na dapat ang love team nila. Pero that time,
takot na takot pa kong lumagpas sa 24k word count kaya binura ko ang
scene nila. Ganito ung pagkakatanda kong scene nila do'n:
Jupy's POV:
"Will
you please stop meddling with my sister's affair, Firah? Leave Saturn
alone." Narinig niyang kunot-noong babala ng Kuya Uranus niya kay Firah.
Napangiti siya. Kahit hindi showy ang kuya niya, mahal talaga siya nito. Dapat lang dahil siya lang ang nag-iisa nitong kapatid.
Sige, Kuya. Pagalitan mo pa si Firah.
"What?
Wala akong ginagawang masama, Uranus. Saturn and I are just going out.
It's not like we're getting married," kaswal na sagot ni Firah.
Bumuga ng hangin ang kapatid niya. "You're bored again, kaya pati si Saturn, pinaglalaruan mo."
Firah
smiled seductively and pulled her brother's necktie. Dahil sa ginawa
nito ay nagkalapit ang mukha ng dalawa. "I'll break up with Saturn, kung
ikaw ang magiging kapalit niya."
"What do you mean?"
"Go out with me."
Matagal bago sumagot si Uranus. "Fine. I will go out with you."
Nagulat
siya. Hindi naman nakikipag-date ang kuya niya dahil workaholic ito,
lalo pa ngayong nasa krisis ang kompanya nila. Gano'n ba siya nito
kamahal? O may iba itong binabalak?
Binitawan ni Firah
ang necktie ni Uranus. "Joke lang, Uranus. Masyado ka namang seryoso,"
tatawa-tawang wika nito saka iniwan ang kapatid niya.
Pag-alis ni Firah ay saka niya nilapitan ang kapatid niya. "Kuya, what was that about? Gusto mo ba si Firah?"
Nanatiling
nakatingin si Uranus sa daang nilabasan ni Firah. Hanggang sa sumilay
ang ngiti sa mga labi nito. "I like being seduced by her."
Nalaglag ang panga niya. She didn't know her brother was a little perv!
Konting trivia about this book:
-Bago
ko pa man din gawan ng story sina Storm, tapos ko na ang plot ng From
Uraus With A Flying Book, katulad nga ng nabanggit ko sa first page.
Pero nagtext sa'kin nun ang editor ko na gawan ko raw ng story sina
Storm at Rain, kaya sila ang inuna ko.
-Sinulat ko ito
after kong isulat ang Hotness Overload. Ngarag ako nung May - my birth
month. Sulit naman dahil bago ako mag-birthday, na-approve sila ng
sabay-sabay. Banzai!
-Ay, ni-revise ko ito ng konti
kasi may pinatanggal sa'kin ang editor ko. Ung implication ng love
scene. Which is fine kasi mas gumanda nga ang story. Kaya wholesome na
uli siya after ng revision. Haha!
-Bale, sa tingin ko,
ito na ang may pinakamaraming kissing scene sa mga sinulat ko so far.
Para sa'kin, SA AKIN lang, ha? Hindi siya pa-tweetums kasi may mga
"slightly hot scenes." Natatawa ako. Eh sa hot scene na un para sa'kin,
eh. Haha. Ang babaw ko talaga. Pero PG13 pa rin ito. LOL.
-I
think may mga scene na nangse-seduce sila pareho? Kayo na lang
mag-decide kung sino ang mas magaling mag-seduce kina Uranus at Firah.
Hehe!
Uranus' character:
In the flashback, he was twenty four years old. In the present story, he was thirty.
No'n pa man, sinasabi ko na na between sa tatlo (Saturn, Storm, Uranus) ay si
Uranus
na talaga ang pinaka-bet ko. Kasi siguro siya ang pinaka-nice guy... na
mejo flirt. Eh siya naman kasi ang pinakamatanda kaya siguro okay lang
kung mejo matured siya mag-isip.
Nagsisisi lang ako at hindi ko gaanong na-introduce ng maayos ang character niya sa
From Saturn With Love. Hindi ko naman kasi in-e-expect na sisipagin akong gawin ang story niya. Pero hindi ko matiis na hindi siya isulat.
Siya ang big brother ng lahat. He's a nice guy, pero may "wild side" din siya. Ahm, basta. Siya ang pinakadakila sa tatlo.
Firah's character:
In the flashback, Firah was eighteen years old. In the present story, she was twenty four.
Sa
totoo lang, hindi ko alam kung pa'no i-pronounce ang pangalan niya.
LOL. Minsan, FIRE-A. Minsan naman, FEAR-A. Pero ang pinagbasehan ko ng
name niya ay ang "fire." Kaya siguro FIRE-A ang tamang pagbigkas, though
sanay na ko sa FEAR-A.
Alam kong flirt and dating niya sa
From Saturn With Love,
at may iilan ding nainis sa character niya no'n because she served as
the villain in the story. Lalo lang naging "masama" ang reputation niya
sa
From Storm With Chocolate Kisses dahil sa mga kalokohan niya. Sinadya kong gawing playful ang character niya.
Pero people, she's really nice. Itanong niyo pa kay Uranus. Haha.
What to look forward about this book:
-Kung
sina Saturn at Jupy ay "planet duo", at sina Storm at Rain naman ay
"weather lovers," malalaman na natin dito kung ano ang tawag sa love
team nina Uranus at Firah, though I admit it's a little bit lame.
-Firah's past, and the reason why this book is entitled "From Uranus With A Flying Book."
-Updates about S&J and S&R's love stories. Yep, I made sure na marami silang exposure dito.
-And
lastly, I have a surprise sa mga readers-friends na sumabaybay sa
tatlong kuwento sa ending ng nobelang ito. Hindi ko alam kung
masu-surprise kayo pero para sa'kin, surprise ko na un sa inyo. Hehe.
Please grab a copy of From Uranus With A Flying Book!
Arigatou gozaimasu, minna-san!
-Luna King