SALAMAT!
Simula pa lang, malaki na talaga ang pasasalamat ko sa mga taong laging nakasuporta sa pagsusulat ko. Bukod sa pamilya at mga kaibigan ko, malaki ang pasasalamat ko sa mga READERS na naging kaibigan ko na rin. You can really make or break a writer.
Ngayon ko MAS na-appreciate ang lahat ng komento, text at private message niyo. Salamat sa pagsuporta. Hindi niyo lang alam kung gaano ako nagiging kasaya kapag sinasabi niyong nagustuhan niyo ang mga nobela ko. Lalo na kapag sinasabi niyong minamahal niyo rin ang mga characters na tinuturing ko na ring mga totoong tao dahil mahal ko rin sila.
Alam kong hindi ako kagalingan na writer at marami pa kong dapat matutunan. Alam kong maraming flaws ang mga novels ko, marami pang dapat i-improve. Hindi ko gagawing excuse ang pagiging baguhan ko. Pero sisikaping mas humusay pa ko sa larangang ito.
Sabi ko hindi ako iiyak. Sabi ko hindi ko dadamdamin. Marami jan na mas mabigat pa ang pinagdadaanan kaysa sa naranasan ko. Umpisa pa nga lang `to eh. Alam ko ring marami pang darating na hater, basher, critic at bully. Alam ko rin dapat sa ganto ay dine-deadma na lang. Tinatawanan. Binabale-wala. Pero mahirap pala. Masakit pala. Nakakababa pala ng pagkatao.
Pero hindi ko matanggap na pati editor ko, napupulaan dahil sa'kin. `Yon `yong mas masakit. `Yon ang mas ikinakalungkot ko. `Yon ang ikinagagalit ko. Oo, nagagalit ako. Hindi dahil sa mga komento niya tungkol sa'kin, kundi dahil sa sinabi niya about my editor. Mahal ko ang mga editors. Sila ang naghihirap at nagtitiyaga para mapaganda ang novels ko, namin. Hindi niyo lang alam kung gaano sila katiyaga na ultimo kaliit-liitang flaw ay nakikita nila. Ang tiyaga rin nila sa pagtatama ng grammar namin. Hehe! `Wag nang mandamay ng ibang tao. Ako na lang at ang mga nobela ko.
I really kinda feel silly for crying over this. Ngayon lang uli ako umiyak ng bongga. The last time I cried THIS HARD was when I broke up with my last boyfriend (and the boy I still love until now) five years ago! Pero heto ako, naiyak dahil sa isang estrangherong ni hindi ko nga alam kung ano ang tiyak na kasarian. Wala kaming memories, hindi ko siya kilala, hindi ko siya mahal pero nadurog niya ang puso ko gamit lamang ang mga salitang `yon, sa loob ng ilang segundo.
I cried my heart out in front of my laptop, in front of my mother. My mama kept asking me why I was still crying (I've cried for more than fifteen minutes!), then, she smiled lovingly at me and said "Baby pa talaga ang anak ko." That only made me cry more. She was right. I'm still a baby. I was hurt easily. Akala ko, matapang na ko. Hindi pa pala. Ang dami-dami pa lang makakasakit sa'kin.
Siguro dahil mahal ko talaga ang pagsusulat. Pero thankful na rin ako at nangyari `to. Dahil pagkatapos kong umiyak, naramdaman kong buo pa rin ang loob ko na ipagpatuloy ang pagsusulat ko. Mainis na ang maiinis pero buhay pa rin si Luna King.
Malaking tulong sa pagpapagaang ng loob ko ang mga readers na naging friends ko na rin. Kahit sa cyber lang tayo nagkakilala, kaibigan pa rin ang turing ko sa inyo. Salamat sa lahat ng encouraging words. Kulang ang salitang "salamat" para i-describe kung gaano ako ka-thankful sa inyo. Don't worry, pag yaman ko, bibilin ko ang Japan ang angkinin natin lahat ng hot anime characters. Haha! Jowk!
"That which does not kill us makes us stronger."
-Friedrich Nietzsche
Yes, it's true. I will definitely learn something from this heartache. I'll take this as a challenge to improve myself.
PS: For my future bashers/haters/critics, `wag na kayong manlalait ng iba. Kung hindi niyo gusto ang novel ko, ako lang ang tirahin niyo, okay? Thanks!
-Luna King
(Punung-puno ng pasasalamat)
Free Talk: Blog Update
5 weeks ago
0 comments:
Post a Comment