Paano mo ibabangon ang sarili mo kung mismong ikaw eh ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Ilang beses ko nang narinig `yan. People, that's exactly my dilemma. Comforting words coming from my friends are appreciated. Pero hindi ang mga salita nila ang magbabangon sa'yo. Trabaho mo `yon. I'm experiencing that battle right now. I feel like I'm faced with my dark self. And she's stronger. Nauubos ang lakas ko. I'm fighting her, but this will take a little longer. Alam kong unti-unti, nakakabawi na ko. Pero hindi pa rin siya tumba, kaya hindi pa tapos ang laban.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil naghahanap ako ng masisising ibang tao for the misery I am in at the moment. It's a nagging feeling, it's pulling me down, eating me whole.
Yesterday I started to use my Wattpad account again and I wrote a story. It's romance, yes, but it's tragedy, so I'm not violating my contract with PHR... er, right? Hehe. Anyway, kaya sinulat ko `yon ay dahil gusto kong ipaalala sa sarili ko kung bakit ako nagsulat noon. Before, wala akong pakialam sa pera na kikitain ko sa pagsusulat. I just wanted to write a story. Pero tumagal, aaminin ko, naging
At ang saya na `yon ang kulang sa mga nakaraang sinulat ko.
Pressure na ang naramdaman ko nung nakaraan. Pressure kasi dumadami na kaming mga new writers. Siyempre, kailangan galingan ko para hindi ako mawala sa listahan ng mga readers. Pressure kasi sa tuwing pinupuri ng editor ko ang isang na-approved kong nobela, alam kong tumataas din ang expectation niya sa sequel niyon.Pressure kasi nag-aasam ako ng mas matured na story, mas komplikadong conflict at mas malalim na kuwento. Hindi pa yata abot ng utak at karanasan ko dahil gaya ng sinabi ng mga nag-review sa libro ko, masyadong childish ang mga characters, na nagre-reflect sa pagkatao ko. Childish, wala pang alam sa hirap ng totoong buhay. But that's not true. Marami na kong napagdaang problema sa pamilya, lalo na at panganay ako. Araw-araw ko na iyong hinaharap sa buhay ko KAYA AKONG PAHIRAPAN MASYADO ANG MGA HEROINE KO. I WRITE TO ESCAPE REALITY. Gusto ko magaang ang buhay nila. Unlike mine. Pressure dahil gusto kong ipakita na kaya ko pang mag-improve.
Dahil sa mga iyon, nakalimutan ko kung bakit ako nagsusulat. I've become someone I am not and I started to hate what I used to love doing. Writing gave me too much stress because of this pressures. So I ended up hating it. Which was so wrong.
Kaya nagsulat ako. I felt free. Hindi ako kinakabahan na baka hindi pumasa sa panlasa ng editor. Hindi ko inisip kung malalim ba ang conflict. Wala rin akong pakialam kung masyadong corny at cliche ang mga eksena at mga linya. And I felt free.
And I was reminded again that I don't write to please people who didn't like my books. I write for myself, and for people who have come to love Luna King and the way she writes her story. Maybe I should stop overthinking things. O ang maliitin ang sarili ko. A little confidence in my self won't hurt, right? Just a little will do.
Kakayanin ko `to. Konti na lang.
-LK
0 comments:
Post a Comment