Showing posts with label LK's Books. Show all posts
Showing posts with label LK's Books. Show all posts

Tuesday, June 19, 2012

My Dream Plus My Heart Equals My Homeroon Teacher

Posted by Unknown at 4:51 AM 0 comments
My third published novel under PHR
Released date: May 19, 2012
MY DREAM PLUS MY HEART EQUALS MY HOMEROOM TEACHER
by LUNA KING
"I would stick to you like glue."
Teaser:
Hindi naging maganda ang unang pagkakakilala ni Ali kay Exer Villez, the young man with attractive amber eyes. Para makabawi sa nagawa niyang pagkakamali rito, tinulungan niya itong makaligtas sa kapahamakang siya rin ang nagdulot. Bilang pasasalamat sa kanya, inilibre siya nito ng merienda. They shared a short yet memorable time together, and in that very short moment, she fell for him.
Three months later, he suddenly showed up in her classroom.
“Exer!” bulalas niya.
“Ah. That’s ‘Sir Villez’ to you, Miss Vismonte,” nakangiting sagot nito.
Exer turned out to be her substitute homeroom teacher! Dahil sa sitwasyon nila, pinigilan niya ang damdamin niya para dito. Pero hindi siya nagtagumpay, lalo na at pakiramdam niya, espesyal siya rito. Higit sa lahat ang atensiyong ibinibigay nito sa kanya. She confessed her feelings to him. But she was bluntly rejected. May iba na palang nagmamay-ari sa puso nito.
Now, seven years had passed and for some reason, their roles had switched. It was her turn to reject him. Dahil ngayon ay siya na ang nakatali sa isang pangako…


-"ano kaya kung guwapo ang lahat ng teacher?"
haha! `yan ang tanong na naging dahilan kung bakit naisulat ko ang nobelang ito. actually, when i was in my fourth year high school, sinali ako ng English teacher ko sa isang special English class. at ang instructor namin sa klaseng iyon, cute. haha. kaya kahit matagal ang hinihintay namin, sulit basta makita ko siya at marinig ang cute accent niya.

-anyway, hindi siya ang dine-describe ko sa nobelang ito. bukod kasi sa face ni sir, wala na kong nakitang quality niya bilang isang hero. haha. ang sama ko! wala namang problema sa kanya. ako lang talaga ang hindi gaanong interesado sa "3D men." i imagine my heroes as anime characters. hoho.

-ahm, actually, hindi ko masyadong in-expect na papasa `to. pero sana magustuhan ito ng readers.

-no'ng tapos ko nang isulat ang nobelang ito, saka ko lang nasagot ang tanong ko:
"kung guwapo ang lahat ng teacher, wala nang makikinig sa lesson! haha. baka mauso ang child abuse niyan. :))"

Trivia:
 -nakuha ko ang name na Exer kay Angelo Exel ng Stallion Riding Club, my favorite Stallion Boy ng idol kong si Ms. Sonia Francesca. nabubulol nga lang pati utak ko kapag binabasa ko ang name niya
-i'm a frustrated pianist kaya pianist ang heroine ko
-i like sweet girls, like Ali, mas madali kasi silang isulat

-Luna King

Love Like Crazy

Posted by Unknown at 4:35 AM 3 comments
My first published novel under Dream Love (New book imprint of Precious Pages)
Released date: May 31, 2012
LOVE LIKE CRAZY
by: LUNA
 “I’m not afraid of your ‘overflowing’ love anymore. Hah! Sige lang, ibuhos mo pa iyan. Mag-refill ka pa kung gusto mo. `Di bale nang malunod ako sa pagmamahal, as long as it’s coming from you.”
Teaser:
Nang mamatay ang mga magulang ni Clover ay si Charles ang kanyang naging sandalan. Dahil doon ay nahulog ang loob niya rito. Ngunit sa mismong kaarawan niya ay bigla itong nawala nang walang paalam. Nabalitaan na lamang niya na sumama ito sa best friend nitong si Kaye Ann sa Amerika.
Pitong taon ang lumipas bago nagbalik si Charles sa Pilipinas. Hindi nito sinasabi kung ano ang pinagkaabalahan nito nang mga taong nawala ito. At may lakas ng loob pa ito na humarap sa kanya at tawagin siyang girlfriend na parang walang nangyari! Sa kabila niyon ay inunawa pa rin niya ang binata dahil sa labis na pagmamahal niya rito. Ngunit ang atensiyon naman nito ay nasa best friend nito.
Hanggang kailan niya ito uunawain at mamahalin?


-er, this one is for my ex boyfriend, my ex best friend, my first love, my first heart ache and the only boy in my heart for the past six years. and i don't want to replace him, not when i haven't found the person who could surpass him yet.

-actually, i didn't expect this to be approved. kaya nga malakas ang loob ko na gamitin ang pangalan niya at ng current girlfriend niya bilang kontrabida. yeah, i know. it was really mean of me. but what can i do? i was jealous. so when he and his girlfriend learned about this, i pretended not to care about what they think of me. but actually, i really, really feel bad. :(

-anyway, this is my first approved novel so i'm proud of it even though i know how corny this one is. :)

Trivia:
 -Lucky Clover Cafe was inspired by the anime series Kaichou Wa Maid-sama!
-the hero's name is my ex's name.
-i'm Clover. haha!


-Luna King



Thursday, May 31, 2012

Storm Apostol (Ang Hero Na Nakaka-pressure Isulat!)

Posted by Unknown at 6:18 AM 2 comments

     Storm and Rain were the best of friends. For more than twenty years, they maintained their strong friendship. Kaya gano’n na lamang ang pangangalaga ni Rain sa unbreakable bond nila ng binata. She thought they could stay together forever. Until Storm decided to stop playing the “best friend role.”
     “I’m a man, dammit! Stop treating me like a child, Rain.” Then he suddenly kissed her.
     Nagimbal ang isip at puso niya sa pagtatapat ni Storm ng pag-ibig sa kanya. She rejected him, of course. Pero bakit hindi matahimik ang kalooban niya lalo na nang i-“revive” na ng binata ang pagkakaibigan nila? Dapat nga maging masaya siya sa ginawa nito, pero hindi. Eh kasi naman, hindi na niya magawang tumingin kay Storm ng walang malisya. Especially if every minute, she could remember the taste of his chocolate kisses...

Thursday, May 24, 2012

The Fairy's Love Doctor

Posted by Unknown at 9:17 AM 0 comments
My second published novel under PHR.
Released Date: May 15, 2012
THE FAIRY'S LOVE DOCTOR
by LUNA KING

"Kung handa ka nang ma-in love uli, puwede bang sa'kin na lang?"
Teaser:
Nasa gitna ng isang madugong love triangle si Rin. Bumalik ang ex-girlfriend ng current boyfriend niya. At ang walanghiyang lalaki, hindi makapagdesisyon kung sino ang pipiliin!
Isa lang ang naisip niyang takbuhan upang hingan ng advice—si Caleb, the man who played a prank on her three years ago and volunteered to be her “love doctor” in lieu of an apology. He left her his cell phone number and disappeared from her life.
Tinawagan niya ito sa unang pagkakataon and luckily, he still remembered her. Mula noon, parati na itong nagbibigay ng love advice sa kanya. Pero kahit boses lang nito ang naririnig niya, nakakaramdam siya ng kagaangan ng loob. It was as if he was healing her broken heart with his soothing voice.
“I want to see you again,” hiling niya rito.
Pagbigyan kaya siya nito? Or would he remain as her faceless love doctor? Huwag naman sana. Kasi naman, na-in love na siya kay Caleb.



 -ewan ko ba pero kadalasan, mas pinapaboran ko ang mga lalaking underdog sa isang love triangle. kadalasan din kasi, puro jerk ang mga hero lalo na sa mga shoujo manga. nakakairita. taz ung mga underdog naman, nice guys. paano nila nagagawang saktan ang mga gano'ng klase ng tao?

-er, i'm a sucker for nice guys. ayoko ng komplikasyon. gusto kong magbasa ng mga hero na masungit, arogante at mayabang; parang ang astig kasi nila. saka exciting kapag pinapalambot na nung heroine ang mga pusong bato/bakal/yelo nila. pero kapag ako na ang nagsusulat, hindi ko magawa. mas gusto ko kasi talaga ang mababait na lalaki. simple, sweet, thoughtful. kaya nga mahal ko si Caleb, eh. pero kanya-kanya lang `yan. :)

-madali na mahirap isulat ang isang `to. medyo naguluhan kasi ako kung saang chapter makikita uli ni Rin ang hero niya. balak ko pa nga sanang guluhin ang readers kung sino ang totoong hero. pero nang um-attend ako sa PHR Workshop, nalaman kong hindi dapat pinapa-mysterious epek kung sino ang mga bida. buti na lang di ko ginawa ung plano kong un. haha.
-na-enjoy ko ang pagsulat nito. one week lang, taob na. :)

-hindi ko in-e-expect na mapa-publish agad ito. inaasahan kong 5 months or more pa bago uli ako may lumabas akong novel. bukod sa isang buwan pa lang simula nang na-release si Saturn, pangatlong na-approve ang The Fairy's Love Doctor ko. meaning, nilaktawan ung second approved ko. haha.

-sana hindi mausog dahil pinansin ko. XD

Trivia:
-i got Rin and Len's names from Vocaloid. sa Vocaloid, kambal sila. gustung-gusto ko ang dalawang ito dahil ang cute nila. :)
-isa sa mga frustration ko ang pagiging Special Education teacher kaya iyon ang ginawa kong work ng heroine.
-Caleb is my dream guy. haha. :D

-Luna King

From Saturn With Love

Posted by Unknown at 7:13 AM 0 comments
My first novel under PHR.
Released Date: April 10, 2012
FROM SATURN WITH LOVE
by LUNA KING

"I'm always here. Behind you. Next to you. In front of you. It's high time for you to see me. Nakakapagod na rin namang magpa-cute sa'yo."



Teaser:
Ipinagluluksa ni Jupy ang pagkabigo niya sa pag-ibig nang magkatuluyan ang best friend niya at ang lalaking mahal niya. Dumagdag pa ang buwisit pero guwapong childhood friend at kapitbahay niya na si Saturn Gutierrez na panay ang pang-aasar sa kanya dahil sa pagkabigo niya. He was the only person in the planet who knew about her secret love.
Saturn was just supposed to be an annoying neighbor, a distraction from her heartbreak, and a childhood friend. Pero bakit ang dami-dami na niyang napapansin na good qualities nito na hindi naman niya napapansin dati? Like he was very handsome, gentle, and sweet, and she wasn’t immuned to his charm.
“Tayo na lang, katulad nina Rain at Storm. I’ve told you before, childhood friends always end up together,” deklara nito sa kalaunan.
Pero bigla ring binawi nito iyon, pagkatapos ay hindi na siya pinansin nito. Ano iyon, joke?
Siyempre, hindi siya papayag na gano’n-gano’n na lang, pagkatapos nitong kilitiin ang puso niya!



 -nagbunga ang kaadikan ko sa pagbabasa ng mga kuwentong may temang childhood friends-turned-lovers, katulad nga ng nabanggit ko sa first page ng librong iyan.

-actually, pangarap kong ganyan sana ang maging love story ko. pero imposible dahil wala naman akong childhood friend na lalaki na ka-close ko. -_-"
-isn't it nice to have someone who's been by your side ever since you were born? and the thought that he would stay with you until your last breath is very romantic. linsiyak, ang suwerte ng heroine ko sa nobelang ito! nakakainggit!

Trivia:
-tinatamad lang akong mag-isip ng pangalan para sa hero at heroine kaya pinangalan ko sila sa mga planeta. haha. Saturn Gutierrez and Jupiter Villaruz. :)
-iyong Time Capsule, last minute ko lang naisip. hindi pa kasi umaabot ng 24,000 words ung manuscript kaya nag-isip ako ng pampahaba. haha. nakuha ko siya sa isang episode sa anime na The Melancholy Of Haruhi Suzumiya yata un o The Labyrinth? hindi ko na matandaan.

ayun lamang po. bow.

-Luna King
 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting