Released Date: April 10, 2012
FROM SATURN WITH LOVE
by LUNA KING
"I'm always here. Behind you. Next to you. In front of you. It's high time for you to see me. Nakakapagod na rin namang magpa-cute sa'yo." |
Ipinagluluksa ni Jupy ang pagkabigo niya sa pag-ibig nang magkatuluyan ang best friend niya at ang lalaking mahal niya. Dumagdag pa ang buwisit pero guwapong childhood friend at kapitbahay niya na si Saturn Gutierrez na panay ang pang-aasar sa kanya dahil sa pagkabigo niya. He was the only person in the planet who knew about her secret love.
Saturn was just supposed to be an annoying neighbor, a distraction from her heartbreak, and a childhood friend. Pero bakit ang dami-dami na niyang napapansin na good qualities nito na hindi naman niya napapansin dati? Like he was very handsome, gentle, and sweet, and she wasn’t immuned to his charm.
“Tayo na lang, katulad nina Rain at Storm. I’ve told you before, childhood friends always end up together,” deklara nito sa kalaunan.
Pero bigla ring binawi nito iyon, pagkatapos ay hindi na siya pinansin nito. Ano iyon, joke?
Siyempre, hindi siya papayag na gano’n-gano’n na lang, pagkatapos nitong kilitiin ang puso niya!
-nagbunga ang kaadikan ko sa pagbabasa ng mga kuwentong may temang childhood friends-turned-lovers, katulad nga ng nabanggit ko sa first page ng librong iyan.
-actually, pangarap kong ganyan sana ang maging love story ko. pero imposible dahil wala naman akong childhood friend na lalaki na ka-close ko. -_-"
-isn't it nice to have someone who's been by your side ever since you were born? and the thought that he would stay with you until your last breath is very romantic. linsiyak, ang suwerte ng heroine ko sa nobelang ito! nakakainggit!
Trivia:
-tinatamad lang akong mag-isip ng pangalan para sa hero at heroine kaya pinangalan ko sila sa mga planeta. haha. Saturn Gutierrez and Jupiter Villaruz. :)
-iyong Time Capsule, last minute ko lang naisip. hindi pa kasi umaabot ng 24,000 words ung manuscript kaya nag-isip ako ng pampahaba. haha. nakuha ko siya sa isang episode sa anime na The Melancholy Of Haruhi Suzumiya yata un o The Labyrinth? hindi ko na matandaan.
ayun lamang po. bow.
-Luna King
0 comments:
Post a Comment