-i'm going to talk about myself. oo, mayabang ang post na `to dahil puro tungkol sa'kin ang isusulat ko. introduction, e. patawad sa mga maiinis. haha. :)
I DREAMED TO BE A WRITER.
-alam ko kung kailan ko pinagarap maging writer. grade 5 ako no'n, 9 years old. actually, ang gusto ko sana ay pagbutihin ang pagguhit ko. introvert ako, may sariling mundo. i don't like social gatherings, especially family reunions. mas gusto kong mag-drawing sa isang sulok.
-isang araw, nanonood ako ng telenobela. "Anakarenina" yata ang title no'n. hindi ko alam kung anong particular scene pero nainis ako sa eksena. kaya sabi ko sa sarili ko, "kung ayoko ng napapanood ko, bakit hindi ako gumawa ng sarili kong ending?" at do'n na nga nagsimula ang lahat.
-tinago ko ang bondpapers, and drawing materials ko. bumili ako ng notebook at papel. umupo sa ilalim ng malaking puno sa bakuran namin. may mahabang bench do'n, ginawa kong mesa. hindi ko matandaan kung anong sinulat ko pero sigurado, hindi maganda un. haha.
-simula ng araw na `yon, parati na kong nagsusulat. isinantabi ko muna ang pagguhit. `kapal nga ng mukha ko dahil pinabasa ko `yong mga kuwento ko sa mga kaklase ko. siyempre, lumaki agad ulo ko. natatandaan ko pa title ng una kong nobela, "Rainbow." `eto ang names ng mga bida: Cristell Aeith Tan and Jasper Menthis. hindi ko sila makakalimutan dahil mahal na mahal ko ang dalawang `yan. ke binobola o inuuto lang ako ng mga kaklase ko no'ng panahong iyon, nakatulong ng malaki sa'kin ang mga encouraging words nila. ipinagpatuloy ko ang pagsusulat hanggang mag-grade six ako.
-pero ang Mama ko, tutol. ano raw mapapala ko sa pagsusulat? gastos lang daw dahil bili ako ng bili ng notebook at ballpen. so i stopped.
-second year high school yata ako no'ng magsimula uli akong magsulat. gumigising ako ng sobrang aga para pumunta sa bookstore sa bayan at bumili ng notebooks at mga ballpen. `taz, uuwi ako at magkukunwaring kagigising lang. pinagpatuloy ko ang palihim na pagsusulat. ang best friend ko lang ang pinababasa ko no'n. laitera `yon kaya medyo masakit ang mga komento. pero mas gusto ko nga `yon gano'n dahil at least, alam kong hindi niya ko inuuto.
-pero naging hobby na lang ang pagsusulat. ewan. in love ako ng mga panahong ito kaya umikot ang mundo ko sa best friend-cum-first love ko no'n. in short, sinuko ko ang pagsusulat at nakontento na lang ako sa pagbabasa ng mga pocketbooks. adik ako kay Sonia Francesca. mga nobela lang niya ang binabasa ko. naiinggit ako, oo. pero tinamad ako sa pagsusulat.
-college na ko nang muling bumalik ang interes ko sa pagsusulat ng nobela. e pa'no ba naman, nasunog ang utak ko sa pagsusulat ng balita. bukod sa journalism na ang course ko, kasali pa ko sa school publication namin. at sa tuwing nagsusulat ako ng balita, `yong isip ko, lumilipad sa mga eksena ng isang love story sa isip ko. doon ko napagtanto na iyon talaga ang passion ko. ayoko nang magpanggap na journalist.
-summer before ako mag-second year college, sinubukan kong magpasa ng nobela sa Precious Hearts Romances. waley. returned. first time ko makatanggap ng masasakit na salita, pero alam kong mga kritisismo lamang iyon. pero kaya lang, first time kong hindi nakuha ang gusto ko kaya frustrated ako. kaya ang naging defense mechanism ko para kahit pa'no masalba ang nadurog kong self-confidence, huminto uli ako sa pagsusulat. kunwari, hindi ko talaga gusto `yon kahit ang totoo, gustung-gusto ko pa rin `yon.
-fast forward na ko. August 2011, nakatanggap ako ng magandang balita. hindi man pumasa sa Precious Hearts Romances ang unang nobelang pinasa ko matapos ng huli kong rejection, pumasa naman iyon sa bagong book imprint nila na Dream Love.
YES!
-to be continued. :3
Free Talk: SB 下一站巨星 326-327
2 months ago
2 comments:
galing idol. <3
pag sikat ka na, wag mo ko kakalimutan ah. :3
-haha. idol ka d'yan. :))
Post a Comment