Released Date: May 15, 2012
THE FAIRY'S LOVE DOCTOR
by LUNA KING
"Kung handa ka nang ma-in love uli, puwede bang sa'kin na lang?" |
Nasa gitna ng isang madugong love triangle si Rin. Bumalik ang ex-girlfriend ng current boyfriend niya. At ang walanghiyang lalaki, hindi makapagdesisyon kung sino ang pipiliin!
Isa lang ang naisip niyang takbuhan upang hingan ng advice—si Caleb, the man who played a prank on her three years ago and volunteered to be her “love doctor” in lieu of an apology. He left her his cell phone number and disappeared from her life.
Tinawagan niya ito sa unang pagkakataon and luckily, he still remembered her. Mula noon, parati na itong nagbibigay ng love advice sa kanya. Pero kahit boses lang nito ang naririnig niya, nakakaramdam siya ng kagaangan ng loob. It was as if he was healing her broken heart with his soothing voice.
“I want to see you again,” hiling niya rito.
Pagbigyan kaya siya nito? Or would he remain as her faceless love doctor? Huwag naman sana. Kasi naman, na-in love na siya kay Caleb.
-ewan ko ba pero kadalasan, mas pinapaboran ko ang mga lalaking underdog sa isang love triangle. kadalasan din kasi, puro jerk ang mga hero lalo na sa mga shoujo manga. nakakairita. taz ung mga underdog naman, nice guys. paano nila nagagawang saktan ang mga gano'ng klase ng tao?
-er, i'm a sucker for nice guys. ayoko ng komplikasyon. gusto kong magbasa ng mga hero na masungit, arogante at mayabang; parang ang astig kasi nila. saka exciting kapag pinapalambot na nung heroine ang mga pusong bato/bakal/yelo nila. pero kapag ako na ang nagsusulat, hindi ko magawa. mas gusto ko kasi talaga ang mababait na lalaki. simple, sweet, thoughtful. kaya nga mahal ko si Caleb, eh. pero kanya-kanya lang `yan. :)
-madali na mahirap isulat ang isang `to. medyo naguluhan kasi ako kung saang chapter makikita uli ni Rin ang hero niya. balak ko pa nga sanang guluhin ang readers kung sino ang totoong hero. pero nang um-attend ako sa PHR Workshop, nalaman kong hindi dapat pinapa-mysterious epek kung sino ang mga bida. buti na lang di ko ginawa ung plano kong un. haha.
-na-enjoy ko ang pagsulat nito. one week lang, taob na. :)
-hindi ko in-e-expect na mapa-publish agad ito. inaasahan kong 5 months or more pa bago uli ako may lumabas akong novel. bukod sa isang buwan pa lang simula nang na-release si Saturn, pangatlong na-approve ang The Fairy's Love Doctor ko. meaning, nilaktawan ung second approved ko. haha.
-sana hindi mausog dahil pinansin ko. XD
Trivia:
-i got Rin and Len's names from Vocaloid. sa Vocaloid, kambal sila. gustung-gusto ko ang dalawang ito dahil ang cute nila. :)
-isa sa mga frustration ko ang pagiging Special Education teacher kaya iyon ang ginawa kong work ng heroine.
-Caleb is my dream guy. haha. :D
-Luna King
0 comments:
Post a Comment