Monday, October 29, 2012

Uranus And Firah

Posted by Unknown at 1:28 PM 2 comments
-Hindi ko sure kung Villaruz ba surname nina Uranus at Jupy. Haha. Napaka-ulyanin ko talaga.

Anyway, ito ang first page ng From Uranus With A Flying Book:

     Ito na ang huling sequel-sequel-an ng aking From Saturn With Love. Ho-ho. Hindi ko alam kung may mga nakakapansin sa character ni Kuya Uranus, ang kapatid ni Jupy. Pero ginawan ko pa rin siya ng story kasi peyborit ko siya. In fact, nauna ko pang matapos ang storyline niya kaysa sa love story nina Storm at Rain. Nahuli ko lang siyang isulat dahil may ibang MS akong inuna. Anyway, heto na siya. Tenen!
     Salamat ng marami sa editor kong si Ma’am Lyn na super tiyaga sa pagpapaganda ng mga novels ko. Lalo na rito kay Uranus dahil ultimo kaliit-liitang detalye ay talagang binusisi ni Ma’am Lyn. J
     Special mention ko nga rin pala ang mga kaklase kong sina Karen Singh (iyong surname mong totoo, di ko matandaan! Patawad!), Jovel Bautista, Ruby Jean Ricafranca, at Florence Ambrocio. Sobrang na-touch talaga ako nang i-post niyo ang picture niyo with my second novel sa wall ng FB ko no’ng birthday ko. Alam kong hindi tayo gaanong close dahil medyo lutang ako kaya talagang nagulat na na-touch ako sa suporta niyo. Thank you, really.
     Pakaway din sa mga FB friends ko na member din ng SMP: Nica Manjares, Ellaisa Joy Manjares (ayan, ang bait ng sis mong si Nica dahil pinabati ka rin niya sa’kin. He-he), Gladys Ann Abonales, Judy Anne Miranda, Cee Adove, Jennie Olaguer, Roch Garcia, Zul-chan, Esme S. Caputol, Esiuol Montevedra Locraix, Dette Untalan at Nuelia Vollet (Hu U? Haha). Ayan, continue supporting my novels, wah? Nya-ha-ha.
     At hi rin pala sa mga Ate sa outlet ng PPC sa SM Marilao. Ang babait niyo po. Promise, sa susunod, tatanungin ko na name niyo. Hi-hi.

Nananawagan ako sa mga nabati ko na sana ay bumili kayo ng copy. Hehe!


Cut scene:
Ahm, sa From Saturn With Love palang, ini-introduce ko na dapat ang love team nila. Pero that time, takot na takot pa kong lumagpas sa 24k word count kaya binura ko ang scene nila. Ganito ung pagkakatanda kong scene nila do'n:

Jupy's POV:

"Will you please stop meddling with my sister's affair, Firah? Leave Saturn alone." Narinig niyang kunot-noong babala ng Kuya Uranus niya kay Firah.

Napangiti siya. Kahit hindi showy ang kuya niya, mahal talaga siya nito. Dapat lang dahil siya lang ang nag-iisa nitong kapatid.

Sige, Kuya. Pagalitan mo pa si Firah.

"What? Wala akong ginagawang masama, Uranus. Saturn and I are just going out. It's not like we're getting married," kaswal na sagot ni Firah.

Bumuga ng hangin ang kapatid niya. "You're bored again, kaya pati si Saturn, pinaglalaruan mo."

Firah smiled seductively and pulled her brother's necktie. Dahil sa ginawa nito ay nagkalapit ang mukha ng dalawa. "I'll break up with Saturn, kung ikaw ang magiging kapalit niya."

"What do you mean?"
 "Go out with me."

Matagal bago sumagot si Uranus. "Fine. I will go out with you."

Nagulat siya. Hindi naman nakikipag-date ang kuya niya dahil workaholic ito, lalo pa ngayong nasa krisis ang kompanya nila. Gano'n ba siya nito kamahal?  O may iba itong binabalak?

Binitawan ni Firah ang necktie ni Uranus. "Joke lang, Uranus. Masyado ka namang seryoso," tatawa-tawang wika nito saka iniwan ang kapatid niya.

Pag-alis ni Firah ay saka niya nilapitan ang kapatid niya. "Kuya, what was that about? Gusto mo ba si Firah?"

Nanatiling nakatingin si Uranus sa daang nilabasan ni Firah. Hanggang sa sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "I like being seduced by her."

Nalaglag ang panga niya. She didn't know her brother was a little perv!

Konting trivia about this book:
-Bago ko pa man din gawan ng story sina Storm, tapos ko na ang plot ng From Uraus With A Flying Book, katulad nga ng nabanggit ko sa first page. Pero nagtext sa'kin nun ang editor ko na gawan ko raw ng story sina Storm at Rain, kaya sila ang inuna ko.

-Sinulat ko ito after kong isulat ang Hotness Overload. Ngarag ako nung May - my birth month. Sulit naman dahil bago ako mag-birthday, na-approve sila ng sabay-sabay. Banzai!

-Ay, ni-revise ko ito ng konti kasi may pinatanggal sa'kin ang editor ko. Ung implication ng love scene. Which is fine kasi mas gumanda nga ang story. Kaya wholesome na uli siya after ng revision. Haha!

-Bale, sa tingin ko, ito na ang may pinakamaraming kissing scene sa mga sinulat ko so far. Para sa'kin, SA AKIN lang, ha? Hindi siya pa-tweetums kasi may mga "slightly hot scenes." Natatawa ako. Eh sa hot scene na un para sa'kin, eh. Haha. Ang babaw ko talaga. Pero PG13 pa rin ito. LOL.

-I think may mga scene na nangse-seduce sila pareho? Kayo na lang mag-decide kung sino ang mas magaling mag-seduce kina Uranus at Firah. Hehe!

Uranus' character:
In the flashback, he was twenty four years old. In the present story, he was thirty.

No'n pa man, sinasabi ko na na between sa tatlo (Saturn, Storm, Uranus) ay si Uranus na talaga ang pinaka-bet ko. Kasi siguro siya ang pinaka-nice guy... na mejo flirt. Eh siya naman kasi ang pinakamatanda kaya siguro okay lang kung mejo matured siya mag-isip.

Nagsisisi lang ako at hindi ko gaanong na-introduce ng maayos ang character niya sa From Saturn With Love. Hindi ko naman kasi in-e-expect na sisipagin akong gawin ang story niya. Pero hindi ko matiis na hindi siya isulat.

Siya ang big brother ng lahat. He's a nice guy, pero may "wild side" din siya. Ahm, basta. Siya ang pinakadakila sa tatlo.

Firah's character:
In the flashback, Firah was eighteen years old. In the present story, she was twenty four.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung pa'no i-pronounce ang pangalan niya. LOL. Minsan, FIRE-A. Minsan naman, FEAR-A. Pero ang pinagbasehan ko ng name niya ay ang "fire." Kaya siguro FIRE-A ang tamang pagbigkas, though sanay na ko sa FEAR-A.

Alam kong flirt and dating niya sa From Saturn With Love, at may iilan ding nainis sa character niya no'n because she served as the villain in the story. Lalo lang naging "masama" ang reputation niya sa From Storm With Chocolate Kisses dahil sa mga kalokohan niya. Sinadya kong gawing playful ang character niya.

Pero people, she's really nice. Itanong niyo pa kay Uranus. Haha.

What to look forward about this book:
-Kung sina Saturn at Jupy ay "planet duo", at sina Storm at Rain naman ay "weather lovers," malalaman na natin dito kung ano ang tawag sa love team nina Uranus at Firah, though I admit it's a little bit lame.

-Firah's past, and the reason why this book is entitled "From Uranus With A Flying Book."

-Updates about S&J and S&R's love stories. Yep, I made sure na marami silang exposure dito.

-And lastly, I have a surprise sa mga readers-friends na sumabaybay sa tatlong kuwento sa ending ng nobelang ito. Hindi ko alam kung masu-surprise kayo pero para sa'kin, surprise ko na un sa inyo. Hehe.

Please grab a copy of From Uranus With A Flying Book!
Arigatou gozaimasu, minna-san!

-Luna King

Monday, October 22, 2012

Naiiyak ako T^T

Posted by Unknown at 9:26 AM 0 comments
*hugot ng malalim na hininga*

Nagagalit ako sa sarili ko ngayon. I'm disappointed in myself, too. May usapan kami ng mga kaibigan kong magkikita kanina, pero anong ginawa ko? Nakatulog ako all day! Nang magising ako nang alas-nuebe ng gabi, saka ko lang nabasa ang mga text nila at post sa group namin sa FB.

And because I just woke up, agad uminit ang ulo ko sa mga post nila. Bigla rin kasi akong na-guilty at na-pressure. They weren't directly putting the blame on me as to why our barkada date was cancelled, pero nararamdaman kong nadismaya sila sa'kin. And they even used exclamation points! Imagine the pressure I've felt. Parang hindi ako makahinga. I was mad at them, too. So angrily, I typed the words "Alam niyo namang hindi ako naglo-load. Kung gusto niyong magkita-kita, eh di sana tumuloy na kayo kanina. Bakit kailangan pa ko?" But I changed my mind. I would have probably hurt them if I sent that rude message. So in the end, I just went back to sleep.

I can't believe it! I just went back to sleep without even offering an apology! But I was too scared I didn't know what to say to them. It wasn't that easy to apologize and I was mad that time so I had chosen not say anything na lang, which I know was wrong. Gusto kong bumawi sa kanila, but I can't promise them AGAIN na makikipagkita ako sa kanila, because seriously, pressured din ako sa sinusulat ko.

For four days, I did nothing but read manga and watch anime. Last night ko lang na-realize that I have only so little time left before the second semester starts, and I still need to finish three manuscripts that my editor has been waiting for. Hiyang-hiya na ko sa kanya because when I went to the office last time, ang bungad niya sa'kin ay "Wala na bang kasunod?" Dang, one month akong hindi nagpasa ng sequel sa kanya! Nakakahiya! Kaya ngayon, hinahadali ko ang sarili ko.

It was all my fault, I know. I really feel pressured. I'm depressed. I'm sad. So sad I'm crying right now. I hope everything would be alright soon.

I need to apologize. God, give me courage.

-Can I really call myself a friend?

Monday, October 15, 2012

Pureness!

Posted by Unknown at 10:19 AM 0 comments
-Thanks to my friend, Tyra, I discovered another sweet manga. I just so love the story and the characters. They are very pure, innocent and completely loveable. Ah... whenever I read a very cute story, I will get a warm feeling inside. All I can think of is "So cute!".

I write what I want to read. Kaya siguro puro pa-tweetums ang sinusulat ko. Pero hindi lang basta ang pagpapakilig ang goal ko. Gusto ko ring maramdaman ng reader `yong kakaibang init sa puso nila kapag nabasa nila ang story ko, gaya ng nangyayari sa'kin kapag nakakabasa ako ng sobrang cute at sobrang sweet na story. Gusto ko ring ma-feel nila ang kainosentihan ng story, ng mga characters. Basta, mahirap ipaliwanag.

Gusto kong humiga sa ulap at magbasa pa ng maraming, maraming cute and warm na story. :3

-Innocence At Its Best

Friday, October 12, 2012

Headache And Nice Guys

Posted by Unknown at 10:16 AM 0 comments
Nakakahiya man sabihin pero nahihirapan akong isulat ang nobela ko ngayon dahil playboy ang hero ko. This only proves na sobrang hilaw pa ko as a writer. Ah, hindi ko pa rin matatawag na tunay na writer ang sarili ko.

Na-realize kong lahat ng hero ho, wagas kung umibig. Hindi uso sa'kin ang hero na mysterious, maginoo pero medyo bastos, suplado at emo. Pero sila ang gustung-gusto kong binabasa at frustration kong maisulat. Ilang beses ko nang sinabing "This time, suplado ang hero ko" pero ang ending, nice guy pa rin sila.

Siguro dahil kahit fiction lang ang sinusulat ko, hindi ako naniniwalang may lalaking takot magmahal at sobrang suplado. Siguro kasi wala pa kong nami-meet na ganung klase ng lalaki. Ah, hindi. Siguro dahil sobrang adik talaga ako sa nice guys.

Hindi ko alam kung bakit adik ako sa sobrang bait na heroes, loyal at nasasaktan. Ironic, di ba? Hindi ako naniniwalang may lalaking takot magmahal at sobrang suplado, pero umaasa naman akong may sobrang loyal pang lalaki. Kung sa dalawang choices, mas madaling paniwalaan ung una.

Haaay. Ang weakness ko, simula pagkabata, ay pagkakaroon ng sipon. Kapag may sipon, sobrang lakas ng toyo ko. At natutulog lang ako buong maghapon. Hindi ko pa rin natutuwid ang ugali kong un. Kaninang umaga, para tinatanong lang ako ng mama ko kung gusto ko ng soup, ang sabi ko "Ang ingay mo, Ma!" O di ba? Ang sama ko. :|

Hindi ko talaga nakokontrol ang inis ko kapag may sipon ako. Uminom ako ng gamot at buong araw akong nakatulog, pero hindi pa rin gumaang pakiramdam ko. Pero heto ako sa harap ng computer. Kailangan ko kasing tapusin ang nobela ko this weekend dahil one month na siyang hinihintay ng editor ko.

Lintik na hero naman kasi, napakababaero talaga! Bawat scene yata may kalampungang iba't ibang babae. Haha! Hindi ako sanay kasi sa past novels ko, hero ang unang na-i-in love. Pero ngayon, playboy na nga, in denial pa sa feelings! At ang heroine naman, cold at stiff! Ang hirap magsingit ng kwelang scene kasi ma-a-out of character silang dalawa! Jusmio! Good luck talaga sa'kin!

-Sick Elyen Girl

Thursday, October 11, 2012

LK's Dilemma

Posted by Unknown at 10:09 AM 0 comments
Hmm... Third person's voice para cute. :3

LK's novels were supposed to be stand-alone novels. Because LK thinks her side characters were boring, and they were always introduced in the most common way. Therefore, whenever her editors asked her to do sequels, she would panic, big time.

LK thinks her novels focused on the main characters only. The conversation with the side characters were very minimal, and boring, too. So it was hard for her to do sequels. The first time she was asked by her editor to do a sequel, she finished the story for more than two weeks. So she was surprised when the feedback was minor version, as in minor - she only had to change one or two lines from the story. She was happy of course, but soon, she had forgotten about that.

Then, months after LK's first novel was released, there were some people who looked for the sequel. She got pressured, big time. So when the story was released, she was damn disappointed in herself. Because she thought the first story was still better, and the sequel wasn't as interesting as the first one was.

And now, LK was going through that dilemma again. -_______-"

Sunday, October 7, 2012

Fluffinees!

Posted by Unknown at 2:40 PM 0 comments
Kinikilig ako sa sinusulat ko! Hehe. I don't want to sound conceited, and I'm not about to boast about the story, but I can't help but write this post about how I feel about the novel I'm writing the moment. The plot was common. But I so love the characters. Para akong timang. Sabagay, ako nga talaga dapat ang nagmamahal sa mga baby ko. Hehe.

I guess I'm in love with the hero and the heroine. More than the story, I like their "chemistry". I always worry whether my "kilig scenes" would be effective or not. At lalong bihira lang ako kiligin sa mga sinusulat ko. But now, I'm feeling that "kilig" between my characters. Nyaaa! I think I just sounded so conceited! I'm sorry! I don't mean to brag about this, and please don't expect too much from this! I'm gonna elaborate so you won't get annoyed! :)

Nasabi kong "kinikilig" ako sa mga tauhan ko because they remind me how it feels like to be in love again. `Yong tipong wala nang ibang mahalaga sa'yo kundi magustuhan ka rin ng taong mahal mo. `Yong bibigya mo ng malisya lahat ng gawin niya kasi gusto mo siya. `Yong tipong binabakuran mo siya kahit hindi kayo. Siguro naaalala ko lang `yong lalaking gustung-gusto ko kaya ako nakakaramdam ng ganito. And the characters are too innocent, too cute. They are both scared to fall in love, yet, they can't stay away from each other. Parang may magnet na nagdidikit sa kanila. They are both insecure, yet, they are willing to overcome their fears to be together. Ah~ So pure!

Sabihin nang mayabang ako but the butterflies rammed against the wall of my tummy. Siguro dahil mababaw lang ako at madaling kiligin. Pero sana, kiligin din kayo kung sakaling pumasa man ang story na `to at ma-publish. If not, it could only mean I'm just a cocky girl boasting about her story. Nyaaa! Soooory! >.<

-Luna King

Thursday, October 4, 2012

THANK YOU!

Posted by Unknown at 11:08 AM 0 comments
SALAMAT!

Simula pa lang, malaki na talaga ang pasasalamat ko sa mga taong laging nakasuporta sa pagsusulat ko. Bukod sa pamilya at mga kaibigan ko, malaki ang pasasalamat ko sa mga READERS na naging kaibigan ko na rin. You can really make or break a writer.

Ngayon ko MAS na-appreciate ang lahat ng komento, text at private message niyo. Salamat sa pagsuporta. Hindi niyo lang alam kung gaano ako nagiging kasaya kapag sinasabi niyong nagustuhan niyo ang mga nobela ko. Lalo na kapag sinasabi niyong minamahal niyo rin ang mga characters na tinuturing ko na ring mga totoong tao dahil mahal ko rin sila.

Alam kong hindi ako kagalingan na writer at marami pa kong dapat matutunan. Alam kong maraming flaws ang mga novels ko, marami pang dapat i-improve. Hindi ko gagawing excuse ang pagiging baguhan ko. Pero sisikaping mas humusay pa ko sa larangang ito.

Sabi ko hindi ako iiyak. Sabi ko hindi ko dadamdamin. Marami jan na mas mabigat pa ang pinagdadaanan kaysa sa naranasan ko. Umpisa pa nga lang `to eh. Alam ko ring marami pang darating na hater, basher, critic at bully. Alam ko rin dapat sa ganto ay dine-deadma na lang. Tinatawanan. Binabale-wala. Pero mahirap pala. Masakit pala. Nakakababa pala ng pagkatao.

Pero hindi ko matanggap na pati editor ko, napupulaan dahil sa'kin. `Yon `yong mas masakit. `Yon ang mas ikinakalungkot ko. `Yon ang ikinagagalit ko. Oo, nagagalit ako. Hindi dahil sa mga komento niya tungkol sa'kin, kundi dahil sa sinabi niya about my editor. Mahal ko ang mga editors. Sila ang naghihirap at nagtitiyaga para mapaganda ang novels ko, namin. Hindi niyo lang alam kung gaano sila katiyaga na ultimo kaliit-liitang flaw ay nakikita nila. Ang tiyaga rin nila sa pagtatama ng grammar namin. Hehe! `Wag nang mandamay ng ibang tao. Ako na lang at ang mga nobela ko.

I really kinda feel silly for crying over this. Ngayon lang uli ako umiyak ng bongga. The last time I cried THIS HARD was when I broke up with my last boyfriend (and the boy I still love until now) five years ago! Pero heto ako, naiyak dahil sa isang estrangherong ni hindi ko nga alam kung ano ang tiyak na kasarian. Wala kaming memories, hindi ko siya kilala, hindi ko siya mahal pero nadurog niya ang puso ko gamit lamang ang mga salitang `yon, sa loob ng ilang segundo.

I cried my heart out in front of my laptop, in front of my mother. My mama kept asking me why I was still crying (I've cried for more than fifteen minutes!), then, she smiled lovingly at me and said "Baby pa talaga ang anak ko." That only made me cry more. She was right. I'm still a baby. I was hurt easily. Akala ko, matapang na ko. Hindi pa pala. Ang dami-dami pa lang makakasakit sa'kin.

Siguro dahil mahal ko talaga ang pagsusulat. Pero thankful na rin ako at nangyari `to. Dahil pagkatapos kong umiyak, naramdaman kong buo pa rin ang loob ko na ipagpatuloy ang pagsusulat ko. Mainis na ang maiinis pero buhay pa rin si Luna King.

Malaking tulong sa pagpapagaang ng loob ko ang mga readers na naging friends ko na rin. Kahit sa cyber lang tayo nagkakilala, kaibigan pa rin ang turing ko sa inyo. Salamat sa lahat ng encouraging words. Kulang ang salitang "salamat" para i-describe kung gaano ako ka-thankful sa inyo. Don't worry, pag yaman ko, bibilin ko ang Japan ang angkinin natin lahat ng hot anime characters. Haha! Jowk!

"That which does not kill us makes us stronger."
-Friedrich Nietzsche
Yes, it's true. I will definitely learn something from this heartache. I'll take this as a challenge to improve myself.

PS: For my future bashers/haters/critics, `wag na kayong manlalait ng iba. Kung hindi niyo gusto ang novel ko, ako lang ang tirahin niyo, okay? Thanks!

-Luna King
(Punung-puno ng pasasalamat)
 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting