Saturday, November 17, 2012

When LK Falls In Love... With Her Novel!

Posted by Unknown at 12:15 PM
Warning: Ang post na ito ay naglalaman ng mga kayabangan ko bilang isang ina ng mga tauhang nilikha ko. Kung ayaw mong maumay sa pagra-rant ko tungkol sa nobela ko, ahm, tambay ka na lang sa ibang blog.

-I'm so in love with my latest approved manuscript. Hindi dahil maganda ang story niya, kundi dahil sa maturity ng characters at sa naging mga kabayaran ng mga pagkakamali nila sa nakaraan na tumugma sa kasalukuyan nila. Gusto ko rin ang naging pacing ng istorya. Pakiramdam ko, nandoon ako kasama nila at sinusulat ko lang ang mga nakikita ko. Naging sobrang attached ako sa story at sa mga tauhan.

Siguro, `yong mga nagbabasa ng books ko, napansin na na mahilig ako sa good guys. `Yong mga hero ko ang parating naghahabol at nasasaktan. Masuwerte `yong mga heroine nila dahil hindi nila kelangan maghabol masyado, at ang kelangan lang nila ay ma-realize ang feelings nila. So, naisipan kong magsulat ng story na ang heroine naman ang naghahabol sa hero. Fortunately, `yong dalawang nobela ko na gano'n ang plot, pumasa naman agad. `Yong isang heroine, sobrang kulit at sobrang arte talaga dahil todo papansin talaga siya, `Yong pangalawa naman, "cold" pero siya pa rin ang unang na-in love. Nag-aalala ako na baka maging annoying sila para sa mga readers, dahil as a reader, ayoko rin ng nakakainis na heroine. Pero kahit nag-aalala ako, nabuo pa rin ang konsepto ng pangatlong nobela ko na ang babae ang naghahabol - at `yon nga ang paborito kong story ngayon.

A short introduction to the lead characters:
In this book, *sigh* iyakin ang heroine, makulit, matigas ang ulo at manipulative. Masasabi kong she's not the usual heroine I had in the past simply because she's not beautiful. While the hero was a JERK, a TOTAL one. I guess he's not the Luna-ish type of guy. Alangan talaga ako sa pairing na ito kaya hindi ko in-expect na ma-a-approve siya.

Let's talk about the pacing of the story. In the first part, makikita kung gaano kagusto ni heroine si hero, at maja-justify naman (I think) ang pagkagusto niyang `yon kahit iyakin siya. Dito rin masisilip ng mga mambabasa ang pangit niyang nakaraan. Nandito rin ang clues ng magiging conflict, at introduction ng female antagonist na mabait. Oo, kontrabida ang dating niya sa heroine pero she's nice.

In the middle part, mejo lalaki ang role ni kontrabida-but-nice girl dahil pagseselosan na siya ni heroine. Very typical for a novel, right? Kaya in-skip ko agad ang part na `to dahil hindi naman ito ang conflict. Ang mahalaga talaga sa parteng ito ng nobela ay ang huling sugal ni heroine, bago niya isinuko si hero. Revelation stage ito dahil dito na nagkaalam kung bakit todo-iwas si hero kay heroine. I cried while writing this part. Again, this isn't heavy drama. Mababaw lang talaga ang nagsusulat.

In the last part, each character's emotion was so heavy. Sa totoo lang, ilang gabi kong binuno ang pagsusulat sa huling bahagi dahil gusto ko, may feelings kapag isinulat ko na ang mada-drama nilang linya. I was so thankful sa flaw ng utak ko habang sinusulat ko `to. The feelings were so intense, the lines were dramatic, the scenes were painful. But then again, mababaw ang nagsusulat. As in mag-away lang ang mga bida sa nababasa ko, naiiyak na ko. Kaya kaunting problema lang ng mga tauhan ko, iniiyakan ko rin. Pero sana, ma-convey ko rin sa readers ang mga naramdaman ko habang sinusulat ko `to kapag nabasa na nila `yon.

Is love really enough to heal a broken heart? Is loving him enough to forgive people who had hurt you badly in the past? Would you stay in love with the person who had caused you an ugly scar?

Ah, such questions I justified so damn hard in the story. Just to make myself clear, this is not a heavy drama. I won't even call it a drama. It's just... touching, I guess.

Sana ma-released agad ito. At sana, magustuhan ng mga mambabasa. ^____^

PS: Dapat magsusulat ako ng nobela. Eh nabasa ko sa group ng klase ko na dalawang batas ang kelangan naming aralin para sa major subject namin sa Monday. Nawala ang drive kong magsulat dahil binasa ko ang dalawang batas na `yon. Naging estudyante mode ako bigla kaya nag-blog ako, para bumalik ang manunulat sa akin.

Napansin niyo? Wala akong "haha" o "hehe" sa post na `to. `Yon ay dahil ramdam ko pa rin ang kalungkutan sa nobelang nabanggit ko. I really love this novel. At ang yabang ko talaga sa post na `to. Patawad. Minsan lang naman akong matuwa ng ganito sa mga nobela ko. Pagbigyan na ang batang ilang beses bumida sa mga masasakit na blog.

-Luna King

0 comments:

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting