Sunday, July 7, 2013

"Ayoko na ng isang camero role" (Reblogged)

Posted by Unknown at 9:09 AM

Ayoko na ng isang cameo role


Lackluster Ending
Isang lackluster ending. Ugh.
It escalated quickly.
‘Yan na lang ang masasabi ko with regards sa screenshot ng isang text message na nakikita mo ngayon. Hindi naman kasi dapat umabot sa ganyan eh, pero nandyan na eh. Tapos na. Tinapos na ang isang pagkakaibigang tumagal rin ng halos dalawang taon sa kabila ng kung anu-anong something.
Tama na nga, no sense crying over spilled milk. Bakit ba siya na naman ang ito-topic ko? This time ako naman. Tayo naman.
Tayong mga nakukuntentong um-extra na lang sa love story ng iba. Makaka-relate ka siguro or hindi, wala naman akong pakialam, kasi ako nakaka-relate. Naiintindihan ko. Ang nangyayari kasi, pumapayag tayo (damay damay na!) na maging secondary characters at minsan, kontrabida sa isang love story na ‘di naman tayo welcome.
First indication pa lang na nakikialam ka na sa kanila, tumigil ka na. Walang mabuting maidudulot sa’yo ‘yan. Kaibigan lang? Mukha mo. Tandaan mo, hindi ka immune sa kanya lalo na’t sa checklist mo ng isang ideal na better half ay naka-tatlo or more siyang checkmarks. Or less kahit isang checkmark lang ‘yan, basta may desirable siyang trait for you eh vulnerable ka na sa kanya.
Hindi ka immune sa kanya. Walang isinaksak sa’yong vaccine bago kayo maging “close.” Kaya malaki ang tsansa na, barring all decency and common sense on your part, eh ma-fall ka sa kanya. Jusko naman, you know it’s possible and yet tuloy-tuloy ka pa rin. Hindi pa man kasal ‘yan, hindi pa man sila technically isang “pamilya,” ikaw ay isa nang technically, mang-aagaw. Kumakabit. Nanunulot. Walang justifications, walang reason na pwedeng magsalba sa’yo sa mga tag na ‘yan dahil totoo naman.
Sa tingin mo ba harmless ‘yan para sa’yo at sa kanila? NO. What the fvck are you smoking, dude?
C’mon, kahit hindi mo sinasadya, subconsciously eh gumagawa ka ng paraan para mas mapalapit kayo at magkalayo sila. Ganun lang naman ‘yan eh, parang tug of war. Si special person sa gitna ang nahihila, ang naiipit…ang nasasaktan. Gusto mo ba n’un?
Kapag nagkakaselosan na, kapag nagkakaaway na kayo, kapag nagiging komplikado na…Simple lang ang solusyon dyan: Leave their fvcking love story alone. ‘Wag ka nang umepal.
Antagonist ang labas mo. In short, kontrabida. Isang kontrabidang nangangarap maging bida. Go figure. Never magiging bida ang isang kontrabida lalo na sa mga ways na ginagawa niya, sa mga paraang niu-utilize niya para lang mapalapit dun sa bida at tuluyan nang palitan ‘yung undeserving (sa mga bias na mata mo, natin) na lead actor.
Or worse, ikaw ‘yung supporting character na friends forever sa bida na secretly eh may gusto ka. Mas kahindik-hindik ‘to dahil may tsansa ka sa dulo na maging trusty family friend or ninong ng mga anak ng bida at lead actor. Talk about adding insult to injury. Or rubbing salt to the wound. Ansakit lang ‘di ba? Pero ‘di ka naman mapupunta sa posisyong ‘yan kung ‘di ka nagpumilit magsumiksik sa love story nila eh. Ikaw ang may kasalanan.  ’Di ka naman invited sa set ng pelikula nila, ‘di ka naman kailangan sa isa nang buong cast.
Walang kasalanan si girl na sobrang friendly, nag-entertain at nangunsinte sa’yo or si guy na pabayang BF, sobrang possesive, major douchebag or sadyang walang kwenta lang talaga. Wala silang kasalanan (unfortunately), ikaw ang mali. Maling mali ka at dagdag pa riyan na nag-commit ka ng isang napakalaking kasalanan sa sarili mo.
You just demoted yourself to a secondary role.
‘Wag kang makuntento sa isa lang cameo role sa love story ng iba. Create your own movie. Create your own story. Jusko naman, hindi mo kailangang maki-party-party (er, third party) sa kanila. Kaya mong maging masaya na hindi nakakasakit ng ibang tao. Kaya mong gumawa ng isang storya na ikaw ang bida, na mas creative pa, na mas maganda, na mas masaya pa sa love story nila. Kayang kaya mo ‘yun. Ikaw pa.
You’re too awesome to be confined to a secondary role. You’re too awesome to be the villain. Magsimula ka ng isang  panibagong kwento, panibagong libro at panibagong pelikula kung saan ikaw naman ang bida.
Tayo naman ang bida (HAHAHA!) Sabi nga ni Pope Benedict XV- ”La comedia e finita…” (The comedy is over). Tama, tapusin na ang komedyang ‘to. Teka…comedy?
Ang pogi ko namang komedyante.
Bida material kaya 'to. Hero na hero ang dating XD
Bida material kaya ‘to. Hero na hero ang dating XD

Re-blogged
Credits to: Pseudostoic's Outlet
>>> http://pseudostoic.wordpress.com/2013/06/29/ayoko-na-ng-isang-cameo-role/

0 comments:

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting