Depress ako. Er, more like I’m
disappointed sa sarili ko.
Storm’s story was released. I’m not really
expecting for positive feedback. Okay, I am but I’m not expecting too much. I know
his story was simple compared to Saturn’s. I also feel like I didn’t justify
his character nor did I live up with the readers’ expectation.
So I’m really, really, really thankful to
those who still liked his story. And for those who were disappointed, I guess
that’s okay. Halika at samahan niyo ko sa pagda-down kay Storm. `Kidding! But
no matter what you say, I still love him. Aminado naman ako na mas nag-focus
ako sa friendship nilang apat kaysa sa romance. Nasasaktan at nalulungkot ako
dahila alam kong may mga hindi gaanong ma-a-appreciate sa istorya niya.
Hindi talaga dapat minamadali ang pagsulat
sa isang nobela, I learned my lesson the hard way.
Even so, kahit gusto kong laitin ng laitin
ang istorya niya, hindi ko magawa because I cry blood each time I write a
novel. And he’s still my baby so I still love him.
When I was just a reader before, ang dali
kong manlait. Kapag may hindi ako nagustuhang pocketbook, ang dali lang sabihin
ng mga salitang “pangit”, “walang kuwenta”, “boring.” Pero ngayon, hindi ko
maatim na sabihan ng gano’n ang gawa ng mga kapwa ko writer. Saka hindi naman
ako kagalingan kaya bakit ako manlalait? Naisip ko kasi, kapag sa’kin nila
sinabi sa’kin `yon, ouch talaga. Kaya iyong ayaw kong maramdaman ng kapwa ko,
ayoko ring iparamdam sa sarili ko kaya kahit siguro makatanggap ako ng negative
comment kay Storm, hindi ko pa rin lalaitin ang story niya. Kasi gawa ko `yon.
Kasi pinaghirapan ko `yon.
Hindi naman ako kagalingan na writer, alam
ko `yon. Pero pipilitin kong maging mahusay pa hindi lang para sa sarili ko
kundi maging sa readers. Higit kanino man, sila iyong ayaw kong ma-disappoint.
Positive thinking lang. Maganda ang story
ni Stooooooorm!
-Luna King
0 comments:
Post a Comment