Friday, August 31, 2012

Occasional Depression Strikes Again

Posted by Unknown at 11:05 AM
-Trying to please everyone is like loving someone who didn't ask you to love them, yet, you still did and even ended up giving too much. Bigay ka ng bigay, tanggap sila ng tanggap pero sa huli, hindi pa rin sila satisfied at ikaw naman, sinisisi mo ang sarili mo kung bakit hindi sila nakuntento sa binigay mo. Pero kapag nag-isip ka, malalaman mong wala ka namang kasalanan dahil kahit ano pa ang gawin mo, sa umpisa pa lang, may ekis na ang pangalan mo sa listahan nila.

*sigh*
I hate this part of me. I have the tendency to please everyone around me. I don't have the guts to stand up to anyone and I always end up playing Miss Goody-Two Shoes - always the nice girl. I'm not doing it for other people, though. I realized I'm doing it for myself and I realized I'm being a selfish bitch.

Bakit nga ba nagsisikap ang isang tao para i-please ang iba? Isa lang ang sagot na pumasok sa isip ko - I want them to acknowledge me. And that was when I realized I'm insecure. At sa insecurity na iyon, bumababa ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Yes, it was an ugly part of me that I wanted to change badly.

I'm just an average girl. I really don't stand out. No'ng elementary nga ako, madalas ay nakakalimutan akong ilista kapag may activities. Para lang akong shadow. Basta, average lang talaga ako. Dinadaan ko lahat sa hardwork para makabawi. Average girl, average face, average family.

Pinalaki naman ako na hindi ako pine-pressure ni Mama to be on the top. Hindi ko alam kung nakabuti iyon o nakasama. Nakabuti kasi hindi ako naging trying hard sa school. Nakasama lang siguro kasi hindi ko alam kung magaling na ba ko o wala pa ring kuwenta ang mga ginagawa ko dahil wala naman akong "standard" na pagbabatayan. Hindi ako binubusog sa compliment ng Mama ko. In fact, straight to my face niyang sinabing hindi niya nagustuhan ang mga novels ko (Ung kay Caleb, at Prima lang daw ang maganda). Which was fine to me.

Pero dahil do'n, parang may maliit na apoy sa puso ko na nag-ignite to please my mother. Siyempre, naiinggit din naman ako kapag pinupuri niya `yong gawa ng ibang writer. But then again, hands down naman ako sa mga writers na `yon kaya umpisa pa lang, wala ng dapat ikainggit.

I really don't care much about what's happening around me. But like Prima Weignmann (Love, Headbutts, And Everything Nice) I want those people whom I like to like me as well. Gano'n kasi ako. Kapag na-attached ako sa isang tao, ayoko silang ma-disappoint. I don't want them to hate me nor to leave me. No matter how much I act indifferent, I'm still afraid to be abandoned. Again.

So, sa takot kong ayawan ako ng mga taong gusto ko, I always end up trying my best to please them. But it hurts. Kasi nga, wala akong kumpiyansa sa sarili ko. Minsan kasi, lutang ako. At sobrang natatakot din akong makagawa ng bagay na makakasakit sa kanila.
 
Hmm. Parang ang gulo ng post na `to.

-The Elyen Girl

0 comments:

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting