Tuesday, October 2, 2012

Trivia Overloaaad!

Posted by Unknown at 7:17 AM


HOTNESS OVERLOAD TRILOGY:
     The origin of the characters

MIN HO JANG
     -Sa Korean superstar na si Lee Min Ho ang pinagmulan ng pangalang ito. Pero may FB friend (Carmen!) ang nagsabi sa’king si Min Ho Jang daw ay parang pinagsamang Lee Min Ho at Jang... I forgot the name. And then, nakita ko sa comment sa photo ng Sarang Hae, My Honey na may nagsabi rin na parang pinagsamang LMH at Jang-something si MHJ. Hindi po totoo un.
     -Ang totoo niyan, bukod kay Lee Min Ho, wala na kong kilalang Korean actor sa totoo nilang pangalan. (Nakakahiya!) Kaya nung nagsusulat ako, siya na lang ang naisip kong ilagay. At `yong “Jang” naman, naisip ko lang na ung yata ang isa sa mga pinaka-common na Korean surname. Hindi ko po pinagsama ang dalawang Korean actor na un. Hehe.
     -No’ng plot pa lang ang sinusulat ko, ang gusto ko sana, sobrang sungit ni Min Ho na tipong kamumuhian natin siya dahil sa ginagawa niya sa heroine. Napansin ko kasi na lahat ng hero ko so far ay puro nice guy, boy-next-door at sobrang ideal. Pero habang sinusulat ko na siya, nagugulat na lang ako at parang nagiging sweet siya. So, sa kalagitnaan, sumuko na ko. Mukhang wala talaga akong pag-asang makagawa ng supladong hero. Eh kasi naman, I love nice guys. Ahehe.
     -Engineer siya sa nobela dahil wala na kong maisip na trabaho para sa kanya. Isa pa, kung mapapansin ng ilang nakabasa sa mga books ko, hindi ako nagfo-focus sa trabaho ng mga bida. Engot kasi ako pagdating sa mga ganun. Haha.

MITCHEL KARENZ MALLARI
     -Katulad nga ng nabanggit ko sa first page ng Sarang Hae, My Honey, pinsan ko si Itchie at `yan ang totoong pangalan niya. Hindi ako usually gumagamit ng pangalan ng mga kakilala ko, pero dahil utang-na-loob ko sa kanya ang mga ideya na pumasok sa isip ko, I made an exception and used her name.
     -Ahm, ung physical characteristics ni Itchie na nabanggit sa nobela ay base talaga sa pinsan ko – maputi at... well, hindi katangusan ang ilong. Hehe! Peace! Saka “white chipmunk” talaga ang tawag namin sa kanya kasi nga maputi siya. Did you know what her reaction was after reading her story? Nakakatawa! Ang sabi niya, “Ate, hanggang sa nobela mo ba naman, pango ako?” Natawa ako ng sobra. Haha.
     -Ganyan talaga ang ugali niya sa totoong buhay. Makulit, maingay at lukring. Mahilig sumayaw, kumanta at umarte. Dahil kilalang-kilala ko ang pinagbabasehan ko ng character ng heroine, madali kong nasulat ang kuwento nila ni Min Ho.

     -Cosmetologist si Itchie dito dahil un ang gustong kunin na course ng pinsan ko pagka-graduate niya ng high school. Magaling kasing mag-make-up at mag-ayos ng buhok ang lukring na un. Siya rin ang nagturo sa’kin ng “palm tree hairstyle”. Nakuha niya un kay Honey Oh sa Playful Kiss.

SARANG HAE, MY HONEY
     -Nakakatuwa ring diretsong A ito, walang hassle. Hehe. Hindi ko rin matandaang nahirapan ako habang sinusulat ko `to. Siguro nahirapan ako sa pagde-describe ng mga damit ni Itchie kasi wala rin akong alam sa Korean fashion. Hindi ko in-e-expect na papasa ito agad dahil feeling ko, masyadong makulit ang heroine.

GREYSON CHAI
     -Ang unang pangalan na naisip ko sa character ng hero sa Wo Ai Ni, My Darling ay “Xiam” o “Gregory” yata. Gusto ko kasi, sa “G” nagsisimula o may “Grey” sa pangalan. Pero habang sinusulat ko na siya, hindi ako komportable. Napapangitan ako. Isang gabi, habang nanonood ako ng TV, nakita ko ung commercial sa concert ni Greyson Chance sa Pilipinas. Hindi ko kilala si Greyson pero na-cute-an ako sa kanya at nagustuhan ko rin ung pangalan niya. Pagkatapos no’n, narinig ko naman ung full name ni Alec Dungo ng PBB Teens at nalaman kong “Chai” ang middle name niya. At dahil crush ko si Alec NOON, ginamit ko ang Chai. Hehe. Salamat sa TV.
     -Pinagpilitan ko talaga ang magkaroon ng nice guy sa trilogy na `to. Feeling ko, mamamatay ako kapag walang nice guy. Alam kong mas preferred ng readers ang mga suplado at masungit na hero, kasi bilang mambabasa, un din ang gusto ko. Ung tipong mapag-iisip ako kung pano mapapalambot ng heroine ang mga bato nilang puso. Saka ang cute nilang ma-in love, `di ba? Pero kapag ako na ang nagsusulat, hindi ako makagawa ng kasupladuhan. Parang pilit, kaya hindi na ko nagpapaka-“trying hard” sa paggawa ng herong suplado. Hindi ko siguro forte un kaya mag-i-stick ako sa super ideal heroes katulad ni Caleb, my labs.
     -Doktor si Greyson dahil feeling ko, bagay sa mabait ang maging doktor. Haha. Naisip ko lang un nung sinulat ko na ung scene na nabaril si Suri. Para may konek. Saka ang gandang tandem ng journalist at doktor. At least, makakasiguro akong hindi mamamatay si Suri. Haha.
      -Basta, mahal ko si Greyson. Ilang ulit ko nang pinagsigawan un.

SURI RAMIREZ
     -“Cyan Ramirez” ang pangalan ni Suri nang sinusulat ko ang Sarang Hae, My Honey. Pero hindi ko feel ang pangalan na un pero tinatamad din akong palitan dahil nasa kalagitnaan na ko ng book one. Isang gabi, habang nagbabasa ako ng news sa Yahoo, putok ang balita no’n tungkol sa paghihiwalay ni Tom Cruise at ng asawa nito. Sa totoo lang, simula nang mapanood ko ang Mission Impossible, naging crush ko na si Tom Cruise. Gwapong-gwapo kasi ako sa kanya, eh. (Ung mukha lang, wag na nating isama ang “kakaiba” niyang paniniwala.) Nabasa ko sa isang article na “Suri” ang pangalan ng anak nila. Nagandahan ako kaya ginamit ko ang “Suri” at pinalitan ko na ang “Cyan.”
     -Gusto ko ung mga heroine na walang pakialam sa physcial appearance nila dahil alam nilang kahit hindi sila magsuklay ay maganda sila. Hindi naman siguro kayabangan un, ahm, confident lang siguro sila sa itsura nila. Lutang at cold ang naisip kong character noon ni Suri. Pero habang sinusulat ko na siya, naging “misteryosa” siya bigla. Hindi ko rin alam kung pa’no siya naging model. Nagkaroon siya ng sarili niyang buhay. Haha.
     -Ginawa ko siyang journalist sa kuwento dahil Journalism ang course ko. Wala lang.

WO AI NI, MY DARLING
     -Ito ang pinakamabilis na nobelang nasulat ko so far. Dalawa o tatlong araw ko lang yata sinulat `to. Kasi naman, umiyak talaga ako habang sinusulat ko `to. Hindi siya heavy drama, at alam kong kaunti lang ang naantig habang binabasa `to, pero ako, feel na feel ko ang story kasi minahal ko talaga sina Greyson at Suri. Minor revision lang `to, kaya masasabi kong hindi rin ako nahirapan sa pagsusulat nito. At natuwa ako nang sabihin ng editor kong naiyak din siya (Kahit konti. Hehe) dun sa scene na iniyakan ko rin habang sinsulat ko.

SKYLUS SAITOU
     -Hindi ko na matandaan kung saang manga ko nakuha ang pinagbasehan ko sa pangalan ni Skylus. Maganda ung manga na un, magical na tungkol sa mga witch. Ang story nun, nag-iisang witch na lang ung heroine sa panahon niya pero sinisekreto un dahil maraming tutugis sa kanya. Tapos ung hero, alchemist. Alam niyang witch ung girl. Kylus yata ung name nung hero. Eh gusto ko nang “Sky” na pangalan. Kaya ginawa kong “Skylus”. Haha. Ung “Saitou” naman, mula sa surname ng anime boyfriend number two (number one si Kyoya Hibari) ko na si Yakumo Saitou.
     -Hindi ako sigurado kung masungit ba o suplado si Skylus. Sa mga nakabasa, pakisabi naman sa’kin kung nasungitan kayo sa kanya. Hehe. Frustrated talaga akong makasulat nang hero na masungit at suplado. Hindi ko alam kung nagawa ko un kay Skylus. Magulo ang personalidad ng lalaking `to dahil nga sa mundong kinalakihan niya. Er, basta. Ayokong pag-usapan si Skylus. Haha.
     -Artista siya dahil kailangan niyang maging artista. Haha. Un kasi ang pinagmulan ng conflict, `di ba? Nahirapan ako sa pagsulat no’n dahil hindi ako sanay magsulat ng hero na sikat. Baguhan pa lamang po ako kaya natatakot pa kong umalis sa “comfort zone” ko pero ginagapang ko un. Kung alam niyo lang. Hehe.

MEIKO MALLARI
     -Sa Vocaloid ko nakuha ang pangalan ni “Meiko”. Actually, lahat ng pangalan na gusto ko sa Vocaloid, gusto kong gamitin. Kasama na ro’n sina Rin at Luka. Ung mga remaining Vocaloid names ko, ayun, for revision. Haha. Siya dapat ang gagawin kong Japanese sa story, pero nakalimutan ko un at bigla na lang siyang naging Filipina.
     -Gusto ko ang heroine na mabait at makulit. Ewan ko ba pero hindi ko masyadong gusto ang mga heroine na sobrang matigas ang ulo. Siguro dahil adik lang talaga ako sa mababait na mga bida. Ung pagiging matulungin niya, kinailangan din un sa kwento. Masasabi kong sa tatlong babae, si Meiko ang hindi nalayo sa orihinal na character niya sa isip ko. Kung ano siya sa isip ko, un ang nagawa ko sa nobela.
     -English teacher siya dahil kailangan din sa kwento. Haha! Masyadong planado ang story ng dalawang `to kaya hindi ako lumayo sa original plot ko.

AISHITERU, MY BABY
     -Napansin niyo ba? Hirap na hirap akong pag-usapan sina Meiko at Skylus. Haha. Masakit sa kalooban ang dinanas ko habang sinusulat ko ang story nila. Major revision kasi ito. Nahirapan ako ng sobrang ayusin siya kasi nung nire-revise ko siya, binura ko halos lahat ng scene kaya hindi na revise un, ulit na. Haha. Ito ang kauna-unahang manuscript na iniyakan ko sa sobrang hirap. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak o kung bakit ako nahirapan eh simple lang naman ang story. Hay, ewan. Pero nakakataba ng puso nang sabihin ng editor kong gumanda ang story. Oo, matabang talaga ung original kaya lumuha ako ng dugo bago ko naayos ang mga scene. Kaya kapag may reader na nagsabing pinakagusto nila ang story nina Skylus, totoong naiiyak ako. Dahil alam kong sulit ang mga luha ko nang sinulat ko `to.

SUPPORTING CHARACTERS:

SEUNG-HYUN JANG
     -Min Ho’s older brother. Nakuha ko ang pangalan niya sa real name ng 3D imaginary boyfriend kong si T.O.P ng BigBang. Gusto ko sana siyang bigyan ng maraming exposure, pero feeling ko, hindi ko nagawang interesante ang character niya.
     -May naiisip akong story para sa kanya pero wala pa kong scenes na naiisip. Next year na siguro. Nung una, dapat sobrang masama ugali niya. Ewan ko ba kung paano siya naging mabait at masayahin pang kuya. Tsk, tsk.

WINDALE
     -Oh my gulay! Wala palang apleyido si Windale! Haaay. Nakuha ko ang pangalan niya sa... hindi ko na matandaan. Basta nang sinusulat ko na siya, naging Windale na lang siya bigla. Anyway, he was Suri’s guy best friend.
     -Hindi ko alam kung mahal ko si Windale o ano. Wala akong emosyong naramdaman habang sinusulat ko siya. Hindi dahil hindi ko siya gusto, kundi dahil pilit ko pa siyang iniintindi no’n. Isa rin siya sa mga iniyakan ko sa istorya. He was selfish, but I still pitied him. Maybe he had loved Suri more than Greyson did and would. But he hadn’t been given the chance to prove or show it. At hindi na kailanman. Hindi na rin natin siya makikita. Paalam, Windale.

KIEL LEGRAN
     -“Kian” ang original name ni Kiel, ang manager ni Skylus. Pero na-realize kong kapangalan pala niya ung lead vocalist na hindi ko masyadong gusto, pinalitan ko. Sa original, “Kian Gomez” siya. Pero nung ni-revise ko, naging “Kiel Legran” na. Kaya ang ending, nahilo ang editor ko. Haha. Sorry, Ma’am! Pero naayos naman namin sa text. Hihi.
     -Hindi ko yata nasabi kung ilang taon na si Kiel. Hindi ko rin mawari kung ano ang ugali niya. I wanted him to act like a scheming beast. But when I’ve read the story, he turned out to be a... er, sa totoo lang, isip-bata ang tingin ko sa character niya. May nanghingi na kay Kiel (Jozen!), hindi ko lang siguro kung magagawan ko siya ng story.

BAND-AIDS, STRAW, and DISCOUNT COUPON
     -The little cupids. <3 Sa totoo lang, ang tatlong `to ang pinakaimportanteng tauhan sa buong trilogy! Haha! Kung wala ang Band-Aid, hindi matutuwa si Min Ho kay Itchie. Walang excuse si Greyson para lapitan si Suri kung walang straw. At hindi rin magpapasalamat si Meiko kay Skylus kung hindi dahil sa discount coupon.
     But, really, it’s all thanks to... HappyChic. :)

-Luna King

0 comments:

Post a Comment

 

Luna Banana Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei | web hosting